Dear Ex,

Inaamin ko na ipinagdasal ko na sana maka move-on ka na. Hindi na kita kinakausap, hindi ko sinasagot mga tawag mo. Naka-screened msg ka nga eh so I can get rid of your messages. Tinarayan kita, itinulak na parang hindi kita minahal. Nilait pa nga kita para magalit ka at hindi mo na ako mahalin. In short, hinayaan lang kita. Iniwan kitang nasasaktan at gulong gulo. Iniwan kita sa ere. Binitiwan ko ang mahigit tatlong taon nating relasyon na sabay nating ipinaglaban.

 

Sa wakas malaya na ako sabi ko sa sarili ko. Ang sarap ng feeling ng malaya. Hay nakatakas na ako sayo. Masaya palang wala ka na sa buhay ko kasi hindi na ako naiistress. Walang inaabangang tawag, nakakanood pa ako ng movie sa DVD ko ng walang umiistorbo, walang nang-aaway saken. wala ng responsabilidad.. Pero bakit ganun? Nung hindi ka na nagpaparamdam namiss kita bigla? Ang gulo ko noh? Kahit ako di ko maintindihan sarili ko. Namimiss ko yung makulit na boyfriend ko. Yung manggugulo lang pag nanonood ako. Yung may kausap sa cellphone every 9:00pm onwards. Namiss ko bigla ang mga ngiti mo at ang tawa ng gustong gusto ko.. Namiss ko yung kamay mo na hawak hawak kamay ko kahit pasmado. Mga kamay na laging magkahawak kahit san pumunta.. Kamay na hindi ako binitiwan…

 

Nasan ka na kaya? Pag namimis kita iniisip ko na siguro namimis mo din ako, pero parang malabo. Ako ata nanakit sayo. Ako ata ang nang-iwan tapos mamimis mo pa. How pathetic of me for thinking that you still miss me somehow. Ok ka na kaya? Oo nagpray ako kay Lord na tulungan ka nyang mag-move on pero gusto ko na bawiin ngayon. Ayaw kong mag move-on ka kasi masasaktan ako. Masakit isipin na hindi mo na ako mahal. Masakit kasi pag nakamove-on ka na ibig sabihin nakalimutan mo nang minahal mo ako ng sobra.

 

Kung babalik ba ako, matatanggap mo pa ako? Malamang hindi na. Nasaktan kita ng sobra. Ilang buwan kang iyak ng iyak, nagpakalunod sa alak hanggang sa makalimot tapos bigla lang ako babalik. Maiintindihan kita. Ayaw mo lang masaktan ulet.. Nakakatawa, life is so ironic talaga, naalala ko noon bigla na lang ako nagalet nung napatingin ka lang sa legs nung babae.. Selosa nga ako tapos nangako pa ako ng forever and always tapos ako pala ang bibitaw.. 

 

Kung nasan ka man ngayon o kung sino man siya na kasama mo, alam ko na masaya ka. Siyempre siya ang sumagip sayo nung mga panahong talo ka. Siya ang sumalo sayo nung binitiwan kita. Siya na ang babaeng magtutuloy ng mga ipinangako ko sayo. Siya na ang babaeng makakasama mong mangarap, ang babaeng makakasama mo thru thick and thin, ang babaeng hinding hindi ka iiwan ano man ang mangyari. Siya na ang babaeng may karapatan sayo. Siya na ang babaeng papalit sa puwesto ko sa puso mo..

 

Im Sorry. Dapat matagal ko na tong nasabi sayo. Sorry kung nasaktan kita ng sobra sobra. Sorry kung pinaiyak kita gabi-gabi. Sorry kung di kita naalagaan sa mga panahong maysakit ka. Sorry sa mga gabing minumura kita kasi choppy ang linya tuwing tumatawag ka. Sorry kung nagsinungaling ako sayo nung naghang-out kami ng mga friends ko. Sorry kung bigla lang kita iniwan dahil sa napapagod na ako at sana naisip ko din na matagal ka ng pagod sa ugali ko pero di mo pinili ang iwan ako. Sorry naging mahina ako. Sorry if I was stubborn. Sorry if you werent my priority. Sorry for everything… Di ko inaasahan na patatawarin mo ko agad pero sana dumating ang araw na yun.. Im so sorry Baby.

 

Sana kahit marami akong pagkukulang at kasalanan sayo, maisip mo rin na minsan sa buhay mo sumaya ka sa mahigit tatlong taon na kasama ako..

 

Basha

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s