Bakit Nga ba Napakahirap Magmove-on?

Insert song: If I Cry A Thousand Tears

Bakit nga ba napakahirap magmove on? Bakit ang hirap kalimutan ang nakaraan? Bakit sobrang sakit ang nararamdaman natin kapag kailangan ng kalimutan ang isang tao? Bakit kailangang kalimutan ang pagmamahal na dati rati ay para sa atin?

BAKIT?

Kasi nasanay ka na andiyan siya palagi para sayo. Siya, na lagi mong karamay sa lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay mo. Siya, na laging gumagawa ng paraan para ngumiti ka sa tuwing malungkot ka. Siya, na siyang dahilan kung bakit ka nagpapaload. Siya, na palagi mong kausap hanggang sa makatulugan mo na lang na nasa tainga mo pa pala ang cellphone at pagkagising sa umaga yun ang unang una mong hinahanap para icheck kung may message siya. Siya na kinakakakiligan mo sa mga natatanggap mong long sweet messages from him every morning. Siya, na magtutupad sana ng lahat ng pangarap mo. Kamay niya ang lagi mong hawak-hawak kahit pasmado, mga kamay na magkasama kahit saan at may mga bagay-bagay na kahit malabo eh naiintindihan niyo pareho.

broken-heart-text-Favim.com-530164

May mga routine ka na nabago simula nang dumating siya sa buhay mo at ngayong wala na siya hindi mo na alam kung paano ang mabuhay nang wala ang mga nakasanayan na yun.

Palagi mong iisipin kung kumusta na kaya siya, kung naiisip ka pa rin ba niya, kung umiiyak pa rin ba siya, kung mahal ka pa rin ba niya. Eh pano kung hindi na? Pano kung ok na siya habang ikaw nasasaktan pa rin? Paano kung nakamove-on na siya habang ikaw nagkukumahog pa rin? Yung tipong kahit anong sulsol mo sa puso mo na hindi siya karapat-dapat sa mga luha mo, kahit gaano karami ang mga bagay ang ayaw mo sa kanya, kahit ilang libo mong isipin na hindi ka na niya mahal, at kahit na meron nang panibagong tao sa buhay niya… Hindi mo pa rin magawang makalimot, dahil kahit anong hakbang ang gawin mo hinihila ka ng nararamdaman mo pabalik sa pagmamahal na nakasanayan mo.

images (13)

Masakit kasi,

Hindi na ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpapaload, hindi na ikaw ang tinatawagan niya kapag malungkot at masaya siya, hindi na ikaw ang niyayakap niya sa tuwing giniginaw siya, hindi na ikaw ang nakapagpapaiyak at nagpapangiti sa kanya, hindi na ikaw ang dahilan kung bakit nagpupuyat siya sa gabi, hindi na ikaw ang una at huli niyang iniisip, hindi na ikaw ang pinagluluto niya, hindi na ikaw ang hinahatid sundo niya, hindi na ikaw ang tinatawag niyang Baby, Mahal, Sweetheart o Honey, hindi na pictures mo ang wallpaper niya, hindi na amoy mo ang hinahanap-hanap niya, hindi na mukha mo ang gusto niyang makita araw-araw, hindi na ikaw ang dahilan sa lahat ng mga bakit niya, hindi na ikaw ang kailangan niya, at hindi na ikaw ang mahal niya. Masakit pero kailangan mo nang tanggapin na hindi na ikaw ang mundo niya.

images (12)

Hindi madali pero kailangan mo siyang kalimutan. Alam ko naman na kamay niya pa rin ang gusto mong hawakan, mukha niya pa rin ang gusto mong makita, at braso niya pa rin ang gusto mong yumakap sayo kapang nalulungkot ka.

tumblr_l8gd9tjk5q1qagytfo1_500_107900319_thumb

Dahil mahal mo talaga eh. Kapag maalala mo siya uupo ka na lang sa isang tabi at iiyak na naman. 

Kahit umiyak ka pa ng isang libong timba ng luha, hindi na siya babalik.. Pero umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa mai-let go mo ang lahat ng sakit. Ganun naman talaga yun di ba? Kailangan mong umiyak at masaktan para matuto ka. Parang nung bata ka pa, natalisod ka, umiyak kasi nasugatan ka. Masakit pero andun na eh. Hihilom din ang sugat na yan at sa susunod alam mo na kung ano ang gagawin para hindi ka matalisod ulit. Kaya sige lang iiyak mo lang ng iiyak hanggang sa maramdaman mong ok ka na. Hanggang sa makatayo ka ulit at masabi mo sa sarili mong, “Kaya ko na”. 

Walang shortcut ang pagmomove-on
– Papa Jack

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s