Ang Gusto Kong Boyfriend

Super sweet  

Yung tipong kikiligin ako. Hindi yung tipong makokornihan ako. Naalala ko yung line ng dati kong manliligaw, sabi niya sa akin noon “You palpitate my heart into ecstasy” tapos pinapungay niya pa ang mga mata niya. After one day, nalaman kong original line pala yun ni Jose Rizal na para kay Segunda Katigbak. Ang hinayupak na yun!

 

Cute magselos

Yung tipong ilang beses mong tinatanong kung nagseselos siya pero hindi umaamin. Pero huwag ka kulang na lang bigwasan niya yung kaibigan mong lalaki at ipakain ng buhay sa leon. Hihi!

 

Makikitext pa sa iba kapag walang load

Yung lalaking itetext ka ng “Good morning Hon”, “Goodnight Hon” kahit wala siyang load. Yung makikitext lang para sabihin sayo kung nasaan siya. Yung makikitext lang para maiparamdam sayo na walang araw na hindi ka niya naalala.

 

Yung gago, pero masarap magmahal

Yung lalaking gangster kung umasta, ala-Kenji Delos Reyes (She’s Dating The Gangster) pero nirerespeto ka. Yung tipong gago pero sobra kang mahal. Yung kaya kang ipagtanggol kahit saan at kahit kanino. Yung magbabago para sayo. Yung may bisyo nga pero babaguhin yun at ang magiging bisyo niya na lang ay ang mahalin ka.

 

Yung may sense kausap

Common sense, sense of humor, sixth sense, sense organ, paSENSEsiya. Oops I’m getting cornier. Hihi! Well he may not be mentally strong at least he is logically strong. Yung kahit anong topic nakaka-ride siya. ^_^

 

Yung may odor

Este! Humor pala sa katawan. Ung kalog din kagaya ko. Aanhin ko naman ang pogi, matalino, kamukha ni Daniel Padilla at romantiko kung walang kahumor humor ang katawan. Masayahin akong tao eh, so gusto ko masayahin din siya. 🙂

 

Yung hindi namimilit

Aysus, may mga lalaking mapilit. Yung lalaking magsusungit-sungitan at sasabihin sayo na hindi mo siya mahal kapag hindi mo maibigay ang gusto niya, yung Bataan mo! Masarap supalpalin ang gantong lalake. Grrr!

 

Hindi masyadong ma-ego

Alam naman nating na ang mga boys ay ubod ng egoistic. Sobra silang ganun. Ayoko naman ng ganun. Ang gusto ko yung lalaking kayang i-set aside ang ego para sa akin. Yung kayang mag-sorry kahit hindi siya ang may kasalanan. Hihi!

 

Matapang. 

Yung tapang na hindi ka igigive-up kahit ano ang mangyari at kaya akong protektahan kanino man.

 

Honest, trustworthy and gentleman

Sino ba ang may ayaw sa gantong klaseng boyfriend? Kung ganito ang boyfriend mo, ay naku teh ang swerte mo!

 

Umiiyak paminsan-minsan

Ito yun eh. Yung lalaking hindi nahihiyang ipakita na nasasaktan na siya. Nakakabilib ang ganitong lalake, yung hindi iniisip ang ego at ang pagkalalaki. Pero huwag naman sana yung tipong nakakita lang ng dugo o sinigawan lang ng kalaban eh iiyak na agad. Toinks!

 

Full of Surprises

Ay syet pangarap kong maexperience ang Flash Mob proposal. ♥ Kapag mahilig sa sorpresa ang boyfriend ko, maaabot ko ang pangarap ko. Haha!

 

Alam ang pagkakaiba ng Kikay at Malandi

Meron kasing ibang lalaki na akala nila kapag kikay pomorma eh malandi na. Correction magkaiba po ito! Nakakatuwa kasi ang mga lalaking kayang spottin kung sino ang kikay at kung sino ang kire.

 

Yung mamahalin ako kung sino ako

Yung lalaking mamahalin ako sa kabila ng pagiging maingay ko, pagkabaliw ko, ang mga hilig ko, ang utot ko, ang aking bad hair days, ang PMS days, ang pagkabalbon ko, ang pagka-baduy ko, ang pagiging maarte ko, ang pagiging makulit ko, ang mga tantrums ko, ang pagiging kikay ko, ang pagiging babaeng bakla ko at ang aking clumsiness.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s