Ang Drama Mo Teh!

Sa buhay iba-iba ang mga pinagdadaanan natin lalong lalo na sa pag-ibig. Sabi nga ni Papa Jack, “Walang dalawang love story ang magkapareho”. Pero bakit ganun minsan nakakarelate tayo sa love story ng iba. Naiyak ka sa pinagdadaanan ni Basha sa One More Chance kasi naranasan mong manghinayang, Natawa ka sa kakengkoyan ni Laida Magtalas sa A Very Special Love Sequel kasi secretly in love ka din sa boss mo at napamura ka sa landi ni Kara sa No Other Woman kasi may kabit ang asawa mo.

 

Kaya ito gumawa ako ng post tungkol sa mga kadramahan ng pag-ibig.

 

  • Mga taong hindi pa rin nakakamove on sa ex. Mas matagal pa ang moving on period kesa anniversaries nyo. Naka-ilan na siya ng girlfriend, ikaw nagkukumahog pa rin na makalimot. Linoko ka na’t lahat lahat umaasa ka pa ring balikan niya. 

 

  • Mga taong umaasang magiging totoo ang mga landian. MU o mutual understanding ay isang relasyong may paasa at nagpapaasa. Walang commitment, ang ma-in love talo. Ito ang  klase ng pagmamahal na punong puno ng arte. Kung mahal mo go na! Kung hindi eh di wag mong paasahin.

 

  • Na-friendzoned. Ayan na si bestfriend mo kasama ang girlfriend, ikaw naman NGANGA! Eh kasi mahal mo na siya pero para sa kanya hanggang kaibigan ka lang. Pag wala si girlfriend, tsaka ka lang maaalala. Kapag inamin mo naman ang nararamdaman mo iiwasan ka pa, swerte ka kung si bestfriend ay in love din sayo.

 

  • Mahal mo pero takot ka, ayun nakahanap ng iba. Hindi lahat ng tao kayang maghintay. Syempre kung hindi mo pinapakita na mahal mo siya talagang maghahanap siya ng iba na mamahalin din siya. Kapag lagi kang takot, hindi ka makakatikim.. ng pagmamahal!

 

  • The Mistress, A Secret Affair, My Neighbors Wife at No Other Woman ang peg mo. Walang kahahantungan ang love story mo kasi forever kang kerida. Hanap hanap din ng single te pag may time! Pakamot kita kay Wolverine dyan.

 

  •  Mahal mo siya, mahal ka niya pero hindi pwede. Maaring bawal sa relihiyon nyo, o magkaaway ang mga pamilya nyo. Kung mahal nyo talaga isa’t-isa ipaglaban nyo! Manghihinayang ka lang kapag hindi nyo sinubukan.

 

  • Jowa mo pero tinatago mo. Aba eh bakit? Kasi ayaw mo malaman ng magulang mo o friends mo? Kung mahal mo talaga yan hindi mo siya ikakahiya. Be proud! Syinota mo eh, so ipangalandakan mo na IKAW ANG NAGMAMAY-ARI NG PUSO NIYA. 

 

  • Age doesn’t matter. Kasehodang 20 years ang gap nyo as long as single kayo pareho at nagmamahalan, go na! It’s up to you kung papaano niyo patutunayan sa ibang tao na hindi pera, katawan o ano pa man ang dahilan kung bakit mo siya jinowa.

 

  • Matanda na pero choosy pa. Ateng kung lagpas na sa kalendaryo ang edad mo wag na pong maging choosy kasi nagkakaubusan na ng lalaking matino ngayon. Kung hindi single wala namang pera, gwapo nga bata naman at peperahan ka lang, bongga nga pero may asawa. Kung sino dumating at ok naman go na!

 

  • Nasayo na, pinakawalan mo pa. At nung nakamove-on, tsaka ka iiyak at magmamakaawang balikan ka. Isipin mo na lang to, kung hindi ka handang makita siya na hawak-hawak ang kamay ng iba, wag mong pakawalan. Unless kasing ganda ka ni Basha.

 

Ako si Basha ang peg ko. ^_^

 

Ikaw ano ang drama mo?

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s