My 3310 ♥

 

Ang ex-boyfriend ay parang lumang

Ang ex ay parang lumang cellphone.

 

Sa una masaya ka kasi bago pa. Tuwang tuwa ka sa mga features. Binibilhan mo ng casing, headset, dinodownloadan mo ng mga bagong kanta at games. Iniingatan mo. Pero kahit anong pag-iingat mo masisira at masisira pa rin kaya ipapaayos mo. Okay na ulet, tapos masisira, okay na ulet tapos masisira na naman. Palaging ganito. Nauubos na pera at pasensiya mo sa kakapaayos. Paulit-ulit na lang ang nangyayari.

 

Kaya naisip mong bumili nalang ng bago. 

 

May bago ka ng cellphone ngayon, mas maganda kesa sa dati. Touchscreen, halimaw sa camera pixel, may built-in Wi-Fi pa, at marami pang application. Yung tipong Samsung S4 o Apple I-Phone 5. Pero kahit gaano pala kaganda ang bago mong cellphone, mamimiss mo pa rin ang luma kasi dun ka nasanay. Namimiss mo yung mga kanta na palagi mo noon pinapatugtog, mga laro na lagi mong nilalaro, mga pictures na lagi mong tinitignan at mga panahon na ikaw ang nagmamay-ari ng lumang cellphone na yun.

 

Ganun talaga, kelangan mong matutunan i-let go ang isang bagay na hindi na nakakapagpasaya sayo kahit mahirap. Nabuhay ka ng ilang taon na wala ang cellphone na yun kaya makakayanan mo rin na wala yun. Tanggapin mo na lang at ienjoy kung ano ang na sayo ngayon na pilit kang pinapasaya. Cycle lang yan eh, bibili ka ng cellphone tapos papalitan, tapos bibili uli at papalitan. Paulit-ulit na cycle lang hanggang sa makabili ka ng cellphone na kahit ibato mo sa pader eh di susuko sayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s