Namimiss Mo Ba Siya?

 

Nanghihinayang ka di ba? 

Nalulungkot kasi wala na siya?

 

Ganun talaga. Tanga ka eh! Na sayo na pinakawalan mo pa. Bakit kasi naghahanap ka pa ng iba, eh nasa harapan mo lang naman siya di mo pa makita. Di mo ba napansin na siya ang lagi mong karamay? Balikat niya iniiyakan mo nung sinaktan ka ng ex mo, pero di mo alam na mas nasasaktan siya kasi nasasaktan ka. Siya lang ang taong kaya kang patawanin ng malakas, pero di mo lang alam na mas masaya siya kasi napapasaya ka niya. Sa kanya ka lang nagiging ikaw, yung walang pakialam sa kung ano man maging itsura mo sa harap niya. Siya lang ang nakakaintindi sa mga trip mo. Tanggap niyang malakas kang humilik. Alam niya mga pangarap mo sa buhay. Kasama mo siya palagi sa hirap at ginhawa. 

 

 

 

Mahal ka niya, pero para sayo kaibigan lang siya. Kaya pinili niyang lumayo.

 

O eto ka ngayon namimiss siya, nanghihinayang at nalulungkot kasi wala na siya. Ang tanga mo. Pinakawalan mo pa ang taong ikaw lang ang mundo, ang taong walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka, ang taong nagpapalabas ng tunay na ikaw, ang taong hindi ka bibitawan anu man ang mangyari, ang taong naghihintay lang na pansinin mo. 

 

 

Wala ka ng magagawa kasi masaya na siya sa piling ng iba. Ang tanging alam mo lang gawin ngayon ay ang isipin ang mga masasayang araw na kasama siya at sabihin sa sarili mo na “ako sana ang kasama niya ngayon”. Sayang, pinakawalan mo pa. Akala mo kasi hindi siya mapapagod, ang hindi mo lang alam may darating pala sa buhay niya na magpapahalaga sa pagmamahal na dapat sana ay para sayo..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s