HAPPY KIDS’ CHRISTMAS

♫♪ Let’s sing Merry Christmas and a happy Holiday, the season may we never forget the love we have for Jesus. Let him be the one to guide us as another new year starts and may the spirit of Christmas be always in our hearts ♪♫

 

Napangiti ako nang narinig ko ang kantang ito sa mga bata kanina. Ito kasi ang pambansang kanta ng PIlipinas tuwing magpapasko kasi paborito ito ng mga bata tuwing mangangaroling. Aaminin kong ito rin ang kantang kinakanta ko nang paulit-ulit noong bata pa ako. Hehe.

Actually I had a very colorful Christmas when I was a kid.

Akala niyo ba hindi uso ang pangangaroling sa akin? Nagkakamali kayo. Sa sobrang lakas ng loob ko kahit hindi naman tumutugma ang boses ko sa instrumento nangaroling pa rin ako! Kasama ko ang tatlo kong kapatid at mga kaibigan. Ang kadalasang ginagamit kong pang-tugtog eh yung walang laman na lata ng Nido! Yun ang drums ko! Hehe! Minsan naman nagpapapitpit ako kay Tatay ng serbesa at olala! Instant tambourine na! Pagkatapos ng caroling period paghahati hatian namin ang benta at iipunin pandagdag sa pambili ng bagong laruan. ^___^

Tapos kapag may regalo si Mama para sa mga inaanak niya, hindi pa man nagpapasko wala na ang mga ito. Siyempre nasa amin na. Haha! Nagmamakaawa kami palagi na sa amin na lang, huwag na lang ibigay sa mga Ate at Kuya namin na inaanak niya. Siyempre bilang Nanay hindi siya nakatiis binigay na lang sa amin. Haha! Kapag malapit na ang pasko nag shoshopping kami sa Novo. Oo sa Novo, isang cheap department store pero para sa akin sosyal na yun. Bata kasi kaya wala akong pakialam kung magarang department store o hindi, basta ang mahalaga may bago kaming damit sa pasko!!! ^__^

Meron nga akong ninang isang beses niregaluhan ako ng sando na may print na anime. Kulay puti yun tapos Dragon Ball Z ata ang drawing nun eh. Tuwang tuwa kaya ako sa damit na yun kaya yun ang isinuot ko habang namamasko. Ang siste! Hindi ko naman alam na pang-lalake yun!

Tradisyon na naming magkakapatid ang magsabit ng medjas sa Christmas tree. One time nagsabit kami ng MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING as in MARAMING medjas sa Christmas tree to the point na natatakpan na ang decors at lights niya. Tapos hinihintay namin si Santa Claus hanggang sa alas onse na nang gabi hindi pa rin siya dumadating. Inaantok na kami wala pa ring Santang nagpakita kahit man lang balbas niya.

Lumapit sa amin si Mama, sabi niya “Mga anak, go to sleep na. Hindi nagpapakita si Santa sa mga tao.” Eh syempre mga bata kaya nauto. Natulog na kami..

Kinabukasan excited kaming pumunta sa Christmas tree only to find out na apat na medjas lang ang may lamang mga kendi at limang pisong papel bilang apat lang naman kaming magkakapatid. Hahaha! “Amazing! Alam ni Santa kung ilan tayong magkakapatid” Sabi ko.

Minsan pa nga ang ingay sa labas ng bahay. Paano naman kasi dumating si Santa namimigay ng regalo. Napaisip tuloy ako kung meron ba kami, maya-maya pumasok siya sa bahay kasama ang mga elves niya. Namilog ang mga mata namin kasi binigyan niya kami ng regalo. Isang bonggang kitchen set na may pushcart tapos telephone toy! Ang nakakatuwa pa dun, ito yung mga bagay na pinepray namin kay Lord gabi-gabi. Hihi! Ang hindi namin alam pinapakinggan pala nina Mama at Tatay ang mga prayers namin tapos bumili sila ng toys at iniabot ang mga yun kay ‘Santa Claus’. Very clever!

Every Christmas Eve, isa isa kaming nagpeperform na magkakapatid sa harap nina Mama at Tatay, may kakanta, may sasayaw at syempre ang talent ko madalas LIP SYNC! Hahaha! Pero wala eh kahit anong effort namin, si bunso pa din ang may pinakamalaking premyo. Kami tig-bebente lang pero siya isang daan kahit wala namang ginawa! Unper!

Namimiss ko tuloy si Tatay, si Mama, si Adjie, si Yayang, si Ebet, pero siyempre nadagdagan kami ng isa pa si Baby Jumong!!! Ngayon kasi matatanda na kami, may kanya kanya ng buhay at pinagkaka-abalahan pero sana maulit muli ang mga masasayang alaala na meron ako noong bata pa ako.. Ang saya kasi. Hindi man kami katulad ng ibang pamilya na may magarbong handaan, kami naman ang pamilyang sama-sama at tunay na masaya. Simple, but overwhelming..

ADVANCE MERRY CHRISTMAS TO YOU! ^_^

Advertisements