HAPPY KIDS’ CHRISTMAS

♫♪ Let’s sing Merry Christmas and a happy Holiday, the season may we never forget the love we have for Jesus. Let him be the one to guide us as another new year starts and may the spirit of Christmas be always in our hearts ♪♫

 

Napangiti ako nang narinig ko ang kantang ito sa mga bata kanina. Ito kasi ang pambansang kanta ng PIlipinas tuwing magpapasko kasi paborito ito ng mga bata tuwing mangangaroling. Aaminin kong ito rin ang kantang kinakanta ko nang paulit-ulit noong bata pa ako. Hehe.

Actually I had a very colorful Christmas when I was a kid.

Akala niyo ba hindi uso ang pangangaroling sa akin? Nagkakamali kayo. Sa sobrang lakas ng loob ko kahit hindi naman tumutugma ang boses ko sa instrumento nangaroling pa rin ako! Kasama ko ang tatlo kong kapatid at mga kaibigan. Ang kadalasang ginagamit kong pang-tugtog eh yung walang laman na lata ng Nido! Yun ang drums ko! Hehe! Minsan naman nagpapapitpit ako kay Tatay ng serbesa at olala! Instant tambourine na! Pagkatapos ng caroling period paghahati hatian namin ang benta at iipunin pandagdag sa pambili ng bagong laruan. ^___^

Tapos kapag may regalo si Mama para sa mga inaanak niya, hindi pa man nagpapasko wala na ang mga ito. Siyempre nasa amin na. Haha! Nagmamakaawa kami palagi na sa amin na lang, huwag na lang ibigay sa mga Ate at Kuya namin na inaanak niya. Siyempre bilang Nanay hindi siya nakatiis binigay na lang sa amin. Haha! Kapag malapit na ang pasko nag shoshopping kami sa Novo. Oo sa Novo, isang cheap department store pero para sa akin sosyal na yun. Bata kasi kaya wala akong pakialam kung magarang department store o hindi, basta ang mahalaga may bago kaming damit sa pasko!!! ^__^

Meron nga akong ninang isang beses niregaluhan ako ng sando na may print na anime. Kulay puti yun tapos Dragon Ball Z ata ang drawing nun eh. Tuwang tuwa kaya ako sa damit na yun kaya yun ang isinuot ko habang namamasko. Ang siste! Hindi ko naman alam na pang-lalake yun!

Tradisyon na naming magkakapatid ang magsabit ng medjas sa Christmas tree. One time nagsabit kami ng MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING as in MARAMING medjas sa Christmas tree to the point na natatakpan na ang decors at lights niya. Tapos hinihintay namin si Santa Claus hanggang sa alas onse na nang gabi hindi pa rin siya dumadating. Inaantok na kami wala pa ring Santang nagpakita kahit man lang balbas niya.

Lumapit sa amin si Mama, sabi niya “Mga anak, go to sleep na. Hindi nagpapakita si Santa sa mga tao.” Eh syempre mga bata kaya nauto. Natulog na kami..

Kinabukasan excited kaming pumunta sa Christmas tree only to find out na apat na medjas lang ang may lamang mga kendi at limang pisong papel bilang apat lang naman kaming magkakapatid. Hahaha! “Amazing! Alam ni Santa kung ilan tayong magkakapatid” Sabi ko.

Minsan pa nga ang ingay sa labas ng bahay. Paano naman kasi dumating si Santa namimigay ng regalo. Napaisip tuloy ako kung meron ba kami, maya-maya pumasok siya sa bahay kasama ang mga elves niya. Namilog ang mga mata namin kasi binigyan niya kami ng regalo. Isang bonggang kitchen set na may pushcart tapos telephone toy! Ang nakakatuwa pa dun, ito yung mga bagay na pinepray namin kay Lord gabi-gabi. Hihi! Ang hindi namin alam pinapakinggan pala nina Mama at Tatay ang mga prayers namin tapos bumili sila ng toys at iniabot ang mga yun kay ‘Santa Claus’. Very clever!

Every Christmas Eve, isa isa kaming nagpeperform na magkakapatid sa harap nina Mama at Tatay, may kakanta, may sasayaw at syempre ang talent ko madalas LIP SYNC! Hahaha! Pero wala eh kahit anong effort namin, si bunso pa din ang may pinakamalaking premyo. Kami tig-bebente lang pero siya isang daan kahit wala namang ginawa! Unper!

Namimiss ko tuloy si Tatay, si Mama, si Adjie, si Yayang, si Ebet, pero siyempre nadagdagan kami ng isa pa si Baby Jumong!!! Ngayon kasi matatanda na kami, may kanya kanya ng buhay at pinagkaka-abalahan pero sana maulit muli ang mga masasayang alaala na meron ako noong bata pa ako.. Ang saya kasi. Hindi man kami katulad ng ibang pamilya na may magarbong handaan, kami naman ang pamilyang sama-sama at tunay na masaya. Simple, but overwhelming..

ADVANCE MERRY CHRISTMAS TO YOU! ^_^

Daddy’s Once Little Girl

It’s already 12:01 o’clock in the morning and I’m still here in the office waiting for my boss’ call.

♫ Tick tock tick tock

I can hear the clock’s sound already. I haven’t had a good sleep since Sunday. Ow gosh I think my eye balls are popping out! I cant look at the mirror. I’m dry and sticky, as in literally sticky! Not to mention boredom. Thank goodness I brought my I-Pod so I’m able to listen to music.

 

When you are alone things are popping up in your mind. I came across with the song I Will Be There from Kyla and suddenly a feeling of nostalgia started to creep over me. I got a flashback of a happy faces of mom, dad, and me.

 

Come to think of it, things happen so fast. We just don’t realize it. It was just yesterday when I was just the little girl my mom used to dressed and now I’m already the girl in a business suit. There was just one man in my life and that was my dad but today there’s this guy whom I want to be with for the rest of my life. I cry and call  mom when somebody hurts me, but now I can stand up and fight for myself. When I was a little girl I was hurt  because of bruised knee but now I’m hurt because of bruised heart.

 

I don’t know anything about falling in love. All I know is life is wonderful, a candy land. Where sweets, chocolates, candies are made. 

 

Life is so simple before. It was just me and my doll. It was just my dad and my mom. I watched movies with them, we ate together, laughed at small things. I was my mom’s little angel, and my dad’s princess. They were my sanctuary and my cocoon from the world’s cruelty.

 

I remember him as the best dad a daughter would be proud of. He was the kind of father who would try his best to tie his little girl’s hair when her mom is not around. Mind you, my hair was a mess. He buys me candies when I was crying. When he goes home from work, he still had a strength to cook for us even if he was tired. I don’t know how he does that, maybe he was a living superhero. He was the one who always ask my mom to forgive me whenever I make a stupid mistake, he was my defender. I remember the time when I had my first boyfriend, he never ever scolded me for falling in love. He just gave me a fatherly slash motherly advice. He gave his full trust on me, unlike mom. He worked hard to give us the things that a father and husband would want to give his family. He was too kind to hurt mom when she nags him, he just sit quietly there and swallowed the hurtful words that my mom said.

 

Then things changed.

 

We lost my dad. He was with someone else now. My mom was hurt and I was left with half of the earth’s face solitude in my heart. Everything was falling apart. I thought my mom is his queen and I’m his princess.

 

He left without saying goodbye.

 

I wish I could bring back the hands of time. I wish God will grant me even just one day to go back from my childhood days when the only man I know is dad. It still hurts when I think of happy faces of the people from the past.. Life goes on without me. So I should move on, get on with my life and accept that I’m no longer his little princess..

 

I miss him. I hope that even if he’s far away, he still think of the daughter he used to carry. The baby girl he used to call Princess. I love you dad even though your’e not with us anymore, I’m still the daughter who would take care of you when your hair turn gray.

Ang Drama Mo Teh!

Sa buhay iba-iba ang mga pinagdadaanan natin lalong lalo na sa pag-ibig. Sabi nga ni Papa Jack, “Walang dalawang love story ang magkapareho”. Pero bakit ganun minsan nakakarelate tayo sa love story ng iba. Naiyak ka sa pinagdadaanan ni Basha sa One More Chance kasi naranasan mong manghinayang, Natawa ka sa kakengkoyan ni Laida Magtalas sa A Very Special Love Sequel kasi secretly in love ka din sa boss mo at napamura ka sa landi ni Kara sa No Other Woman kasi may kabit ang asawa mo.

 

Kaya ito gumawa ako ng post tungkol sa mga kadramahan ng pag-ibig.

 

  • Mga taong hindi pa rin nakakamove on sa ex. Mas matagal pa ang moving on period kesa anniversaries nyo. Naka-ilan na siya ng girlfriend, ikaw nagkukumahog pa rin na makalimot. Linoko ka na’t lahat lahat umaasa ka pa ring balikan niya. 

 

  • Mga taong umaasang magiging totoo ang mga landian. MU o mutual understanding ay isang relasyong may paasa at nagpapaasa. Walang commitment, ang ma-in love talo. Ito ang  klase ng pagmamahal na punong puno ng arte. Kung mahal mo go na! Kung hindi eh di wag mong paasahin.

 

  • Na-friendzoned. Ayan na si bestfriend mo kasama ang girlfriend, ikaw naman NGANGA! Eh kasi mahal mo na siya pero para sa kanya hanggang kaibigan ka lang. Pag wala si girlfriend, tsaka ka lang maaalala. Kapag inamin mo naman ang nararamdaman mo iiwasan ka pa, swerte ka kung si bestfriend ay in love din sayo.

 

  • Mahal mo pero takot ka, ayun nakahanap ng iba. Hindi lahat ng tao kayang maghintay. Syempre kung hindi mo pinapakita na mahal mo siya talagang maghahanap siya ng iba na mamahalin din siya. Kapag lagi kang takot, hindi ka makakatikim.. ng pagmamahal!

 

  • The Mistress, A Secret Affair, My Neighbors Wife at No Other Woman ang peg mo. Walang kahahantungan ang love story mo kasi forever kang kerida. Hanap hanap din ng single te pag may time! Pakamot kita kay Wolverine dyan.

 

  •  Mahal mo siya, mahal ka niya pero hindi pwede. Maaring bawal sa relihiyon nyo, o magkaaway ang mga pamilya nyo. Kung mahal nyo talaga isa’t-isa ipaglaban nyo! Manghihinayang ka lang kapag hindi nyo sinubukan.

 

  • Jowa mo pero tinatago mo. Aba eh bakit? Kasi ayaw mo malaman ng magulang mo o friends mo? Kung mahal mo talaga yan hindi mo siya ikakahiya. Be proud! Syinota mo eh, so ipangalandakan mo na IKAW ANG NAGMAMAY-ARI NG PUSO NIYA. 

 

  • Age doesn’t matter. Kasehodang 20 years ang gap nyo as long as single kayo pareho at nagmamahalan, go na! It’s up to you kung papaano niyo patutunayan sa ibang tao na hindi pera, katawan o ano pa man ang dahilan kung bakit mo siya jinowa.

 

  • Matanda na pero choosy pa. Ateng kung lagpas na sa kalendaryo ang edad mo wag na pong maging choosy kasi nagkakaubusan na ng lalaking matino ngayon. Kung hindi single wala namang pera, gwapo nga bata naman at peperahan ka lang, bongga nga pero may asawa. Kung sino dumating at ok naman go na!

 

  • Nasayo na, pinakawalan mo pa. At nung nakamove-on, tsaka ka iiyak at magmamakaawang balikan ka. Isipin mo na lang to, kung hindi ka handang makita siya na hawak-hawak ang kamay ng iba, wag mong pakawalan. Unless kasing ganda ka ni Basha.

 

Ako si Basha ang peg ko. ^_^

 

Ikaw ano ang drama mo?

 

Ang Gusto Kong Boyfriend

Super sweet  

Yung tipong kikiligin ako. Hindi yung tipong makokornihan ako. Naalala ko yung line ng dati kong manliligaw, sabi niya sa akin noon “You palpitate my heart into ecstasy” tapos pinapungay niya pa ang mga mata niya. After one day, nalaman kong original line pala yun ni Jose Rizal na para kay Segunda Katigbak. Ang hinayupak na yun!

 

Cute magselos

Yung tipong ilang beses mong tinatanong kung nagseselos siya pero hindi umaamin. Pero huwag ka kulang na lang bigwasan niya yung kaibigan mong lalaki at ipakain ng buhay sa leon. Hihi!

 

Makikitext pa sa iba kapag walang load

Yung lalaking itetext ka ng “Good morning Hon”, “Goodnight Hon” kahit wala siyang load. Yung makikitext lang para sabihin sayo kung nasaan siya. Yung makikitext lang para maiparamdam sayo na walang araw na hindi ka niya naalala.

 

Yung gago, pero masarap magmahal

Yung lalaking gangster kung umasta, ala-Kenji Delos Reyes (She’s Dating The Gangster) pero nirerespeto ka. Yung tipong gago pero sobra kang mahal. Yung kaya kang ipagtanggol kahit saan at kahit kanino. Yung magbabago para sayo. Yung may bisyo nga pero babaguhin yun at ang magiging bisyo niya na lang ay ang mahalin ka.

 

Yung may sense kausap

Common sense, sense of humor, sixth sense, sense organ, paSENSEsiya. Oops I’m getting cornier. Hihi! Well he may not be mentally strong at least he is logically strong. Yung kahit anong topic nakaka-ride siya. ^_^

 

Yung may odor

Este! Humor pala sa katawan. Ung kalog din kagaya ko. Aanhin ko naman ang pogi, matalino, kamukha ni Daniel Padilla at romantiko kung walang kahumor humor ang katawan. Masayahin akong tao eh, so gusto ko masayahin din siya. 🙂

 

Yung hindi namimilit

Aysus, may mga lalaking mapilit. Yung lalaking magsusungit-sungitan at sasabihin sayo na hindi mo siya mahal kapag hindi mo maibigay ang gusto niya, yung Bataan mo! Masarap supalpalin ang gantong lalake. Grrr!

 

Hindi masyadong ma-ego

Alam naman nating na ang mga boys ay ubod ng egoistic. Sobra silang ganun. Ayoko naman ng ganun. Ang gusto ko yung lalaking kayang i-set aside ang ego para sa akin. Yung kayang mag-sorry kahit hindi siya ang may kasalanan. Hihi!

 

Matapang. 

Yung tapang na hindi ka igigive-up kahit ano ang mangyari at kaya akong protektahan kanino man.

 

Honest, trustworthy and gentleman

Sino ba ang may ayaw sa gantong klaseng boyfriend? Kung ganito ang boyfriend mo, ay naku teh ang swerte mo!

 

Umiiyak paminsan-minsan

Ito yun eh. Yung lalaking hindi nahihiyang ipakita na nasasaktan na siya. Nakakabilib ang ganitong lalake, yung hindi iniisip ang ego at ang pagkalalaki. Pero huwag naman sana yung tipong nakakita lang ng dugo o sinigawan lang ng kalaban eh iiyak na agad. Toinks!

 

Full of Surprises

Ay syet pangarap kong maexperience ang Flash Mob proposal. ♥ Kapag mahilig sa sorpresa ang boyfriend ko, maaabot ko ang pangarap ko. Haha!

 

Alam ang pagkakaiba ng Kikay at Malandi

Meron kasing ibang lalaki na akala nila kapag kikay pomorma eh malandi na. Correction magkaiba po ito! Nakakatuwa kasi ang mga lalaking kayang spottin kung sino ang kikay at kung sino ang kire.

 

Yung mamahalin ako kung sino ako

Yung lalaking mamahalin ako sa kabila ng pagiging maingay ko, pagkabaliw ko, ang mga hilig ko, ang utot ko, ang aking bad hair days, ang PMS days, ang pagkabalbon ko, ang pagka-baduy ko, ang pagiging maarte ko, ang pagiging makulit ko, ang mga tantrums ko, ang pagiging kikay ko, ang pagiging babaeng bakla ko at ang aking clumsiness.

Say It Through His Name

Dearest Love, 

              Thank you for making my days the happiest. I love you blah! blah! blah!

                                                                                 

                                                                                             Honey

 

Do you find it boring to write a letter that starts with ‘My dearest Juan’ and ends with ‘Your love, Maria’ ? Seriously you don’t want your partner to just read your love letter because it’s from you. No excitement, it’s plain and bummer. I for an instance, I don’t want my guy to read my letter just for a reason that Its from me. I want him to feel excited! I want to see in his eyes that he likes it. More than like it. 

Give a touch of your creativity. Make it appealing not just by the highfalutin words you have, but how you present it. A letter doesn’t have to end with Dearest and ends with Your Love, try pouring your love into a piece of lovely special paper and write your thoughts through his name. Just like this.

 

 

Reminiscing the pain that Iv’e been through in my 23 years of existence, I realized that it’s not impossible to find the love that I’ve been longing since then. Too many people have passed and I thought they would care for me the way I deserve to be treated, but I was wrong. They were just a passers in my life who taught me that I cannot teach anyone to love me the way I wanted to be loved. But somehow I thank them. I thank them for giving me heartaches because it led me to my last love. Ü They made me realized that every heartbreak leads a person closer to the one who is meant for her. Its true, because when they broke my heart, they led me closer to you. ♥

 

Everytime you make me feel special I feel like I’m the prettiest girl in the world! You are so thoughtful and sweet. You are different from them. You are an angel that God sent for me. You are the prince that saved me when I was a damsel in distress. You are a breath of fresh air in the middle of my quite-messy-life. You are the wishes that I made in every star that I’ve waited to fall. You are the guy who laughs with me, but I know that you will never ever try to make fun of me. You are the only guy who appreciate what I say and what I do. You are the guy who give me the kind of respect that I deserve.. Thank you for choosing me.

 

Yesterday was full of ups and downs, but now that I have you, I don’t wanna get stucked from the past. I wanna enjoy every moment I have with you and walk with you in my future. I wanna do everything with you. Cook together and wash dishes, swim and shell hunting, play badminton and scrabble, walk in the street, and many more. Your’e the one I want to laugh with when I crack a joke. Your’e the one I want to intertwine my fingers with. You are the guy who’ll sit beside me on my Wedding Day. It’s your face I want to see first when I wake up in the morning.. Your’e the one who owns the sweetest smile ever painted on my face.. The one who owns my heart that will only beat for one person, YOU.

 

I love you my Rey.

Second Option Ka Lang!

“Nagmamahal lang ako.”

Lecheng rason yan ng mga kabet. Magmahal ka pero samahan naman sana ng delikadesa. Yan ba ang itinuro sayo nung nag-aaral ka pa? Ang manira ng relasyon at ng pamilya? Huwag mong karirin ang pagiging kabet.

You deserve to live your life freely.

Gusto mo ba yung pupunta pa kayo sa Narnia para magdate? Yung papasok ka muna sa sako para hindi ka makita ng legal na karelasyon? Gusto mo ba ng lalaking hindi ka maipagmalaki? Paano kapag sabay kayo magkasakit ng asawa niya, sa tingin mo uunahin ka niya? HINDI! Kasi OPTION ka lang. Kerida! Kulasisi! Number 2! Kaya mo bang tanggapin yun? Kung oo, isa kang malaking hangal. Isa kang hangal kasi hinahayaan mo na lang na ganun ang turing sayo ng taong mahal mo. Minamahal mo siya ng higit pa sa sarili mo and that’s BULLSHIT!

Image

Tignan mo nga naman oh, mas matapang pa ang kabit kesa sa original

Hindi lang sarili mo ang sinisira mo, kundi ang pamilya ng taong kumakabet sayo. Hindi ka ba naaawa sa asawa niya na nag-aantay gabi-gabi sa kanya at sa mga anak na nangungulila sa pagmamahal ng isang ama? Kung hindi, maawa ka na lang sa nanay mo na nagluwal sayo. Hindi ka niya iniri para maging kabet. Hindi ka niya binuhay para sa huli ay hindi maipagmalaki ng lalaking mahal mo at hindi ka niya pinalaki para manira ng pamilya.

Mag-isip ka. Wag puro puso kasi kung hindi ka iiwas ngayon, magiging habang buhay ka na KABET.

Moving On: Ano Nga Ba To?

Maraming nagtatanong kung paano ang mag move-on.  Sa totoo lang napakadali pero mahirap malagpasan ang phase na ito kasi habang nagmomove on ka hinuhugot ka naman ng nararamdaman mo pabalik sa nakaraan. Palagi kang iiyak bago matulog at pagkagising sa umaga iiyak ka na naman kasi nga hindi mo pa rin  matanggap na wala na kayo. Wala na ang dating nakasanayan mo. Hindi naman yan overnight process eh, matagal ang moving on pero pwede mo ng umpisahan ngayon.

 

Alam mo masama tong iaadvice ko pero kung makakatulong ba para maibsan ang sakit na nararamdaman mo ngayon sundin mo na lang.

 

LAITIN MO ANG EX MO!

 

This is really bad pero wag na tayong mga ipokrita ginagawa natin to madalas. Hindi naman masama ang maging bitter kasi may nararamdaman ka eh. Tao ka rin naman na nasasaktan. Isipin mo lahat ng flaws niya. Ilista mo sa papel at magfocus ka dun.

 

  • Isulat mo kung gaano ka-oily ang mukha niya, 
  • Ang baho baho ng paa niya parang patay na daga 
  • Ang panget ng gupit niya, 
  • Salbahe ang mga kapatid niya, 
  • Nakaka turn-off ang English accent niya
  • Ang panget ng sulat kamay niya
  • Mabisyo siya. Adik sa Dota, yosi at palainom
  • HE IS BROKE. Hindi man lang na upsize ang Coke mo sa value meal
  • Yung huling kagat ng pagkain sa kanya palagi. Yung sayo, kanya pa
  • Sobrang takaw. Parang construction worker kung kumain
  • Baho ng hininga
  • Mahilig sa sex
  • Pango pala siya
  • Ang baduy niya pomorma
  • Hindi updated sa current events
  • Ang laki ng tiyan
  • Ang itim ng kuyukot niya
  • Kung naging lalaki ka mas pogi ka pa sa kanya, o kung naging babae ka mas maganda ka pa sa kanya
  • Hindi marunong sumayaw.
  • Ang lapad ng noo
  • Sobrang yabang akala mo pogi
  • Feeling gwapo lang pala
  • Eew lasing ka ba nung kayo pa?
  • Beauty and The Beast ang peg ng love story niyo
  • Ang kapal ng mukhang mambabae
  • Hindi nagtotoothbrush bago matulog.
  • Ano ba naman to ikaw palagi ang nanlilibre sa dates niyo
  • Sugar Mommy ang peg mo kahit mukha siyang Sugar Daddy
  • OH EM GEE. You looked so losyang when you were together pa
  • Sobrang tamad. Pati pagkuha ng tubig sayo pa iaaasa
  • Syet! Ngayon mo lang narealize na mga patay pala ang kuko niya sa paa
  • Nakakatawa ang mukha niya habang tulog

 

Hay ang haba! sample lang yan pero makakatulong yan. Wag mong isipin ang mga katangian niya kasi hindi ka makakausad. Isipin mo ang mga mali sa kanya para maramdaman mo na special ka at hindi ka karapat-dapat na sinasaktan. Sabi nga ni Robin Padilla, ” Ang babae hindi sinasaktan. Minamahal”.

 

images (10)

Kasing pogi nito ang naghihintay sayo kaya magmove-on ka na. ^_^