Second Option Ka Lang!

“Nagmamahal lang ako.”

Lecheng rason yan ng mga kabet. Magmahal ka pero samahan naman sana ng delikadesa. Yan ba ang itinuro sayo nung nag-aaral ka pa? Ang manira ng relasyon at ng pamilya? Huwag mong karirin ang pagiging kabet.

You deserve to live your life freely.

Gusto mo ba yung pupunta pa kayo sa Narnia para magdate? Yung papasok ka muna sa sako para hindi ka makita ng legal na karelasyon? Gusto mo ba ng lalaking hindi ka maipagmalaki? Paano kapag sabay kayo magkasakit ng asawa niya, sa tingin mo uunahin ka niya? HINDI! Kasi OPTION ka lang. Kerida! Kulasisi! Number 2! Kaya mo bang tanggapin yun? Kung oo, isa kang malaking hangal. Isa kang hangal kasi hinahayaan mo na lang na ganun ang turing sayo ng taong mahal mo. Minamahal mo siya ng higit pa sa sarili mo and that’s BULLSHIT!

Image

Tignan mo nga naman oh, mas matapang pa ang kabit kesa sa original

Hindi lang sarili mo ang sinisira mo, kundi ang pamilya ng taong kumakabet sayo. Hindi ka ba naaawa sa asawa niya na nag-aantay gabi-gabi sa kanya at sa mga anak na nangungulila sa pagmamahal ng isang ama? Kung hindi, maawa ka na lang sa nanay mo na nagluwal sayo. Hindi ka niya iniri para maging kabet. Hindi ka niya binuhay para sa huli ay hindi maipagmalaki ng lalaking mahal mo at hindi ka niya pinalaki para manira ng pamilya.

Mag-isip ka. Wag puro puso kasi kung hindi ka iiwas ngayon, magiging habang buhay ka na KABET.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s