Inaamin ko na ipinagdasal ko sa Diyos na sana maka-move on ka na. Ayoko kasing nahihirapan ka. Kahit nakamove-on na ako, inaalala pa rin kita kung okay ka na ba. Siguro nasasaktan ka ng sobra ngayon. Sorry ha? Ito lang kasi ang tanging alam kong gawin para makalimutan mo na ako. Hindi na kita kinakausap, hindi ko sinasagot mga tawag mo. Naka-screened message ka nga eh so I can get rid of your messages. Tinatarayan kita, itinulak na parang hindi kita minahal. Nilait pa nga kita para magalit ka at hindi mo na ako mahalin. I shut you out like I never gave five years of my life to you. In short, hinayaan lang kita. Iniwan kitang nasasaktan at gulong gulo. Iniwan kita sa ere. Binitiwan ko ang limang taon nating relasyon na sabay nating ipinaglaban ng ganoon ganoon na lang.
Hindi ko na kasi kaya Poy eh. Ayokong maging unfair sayo kasi wala kang idea na habang tumatagal ay lalo lang nawawala ang pagmamahal ko sayo. Five years Poy, five years ng buhay ko ang ibinigay sayo. At sa five years na iyon dumating ako sa point na hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na magawa ang mga dati kong ginagawa dahil binago mo ako. I miss my old self Poy. I miss who I was. Gusto kong ako naman ngayon ang pagbigyan mo. Ibalato mo na sa akin ‘to Poy.
Noong pumayag ka sa gusto ko. Well, technically hindi ka talaga pumayag pero at least nasabi ko na sayo ang nararamdaman ko. Ang sarap ng feeling ng malaya, Poy. Iyong nakakahinga ka ng maluwag. Iyong para kang ibon na lumilipad. Hay nakatakas na ako sayo. Masaya pala na wala ka na sa buhay ko. Hindi na ako nai-stress, walang inaabangang tawag, nakakanood pa ako ng movies ng walang umiistorbo, walang nang-aaway sa akin, wala ng naghihigpit kapag may lakad ako o kung ano man ang suotin ko. Wala ng responsabilidad. Kay tagal ding umikot ang mundo ko sayo, Poy.
Hindi ka na nagtetext, hindi ka na tumatawag at nagpapakita. Hindi ako sanay, Poy. Naka-move on ka na ba? Hindi mo na ba ako mahal? Ang gulo ko ‘no? Kahit ako di ko maintindihan sarili ko. Namimiss ko kasi yung makulit na boyfriend ko. Yung nangungulit kapag may ginagawa ako, yung taong kausap ko gabi-gabi tuwing alas nuwebe, yung taong pinapalakas lagi ang loob ko tuwing pinanghihinaan na ako ng loob, yung taong kahit kailan ay hindi nag-give up sa akin.. Namiss ko bigla ang mga ngiti mo at ang tawa na gustong gusto ko.
Namiss ko yung kamay mo na hawak hawak kamay ko kahit pasmado. Mga kamay na laging magkahawak kahit saan pumunta.. Kamay na hindi ako binitiwan.
Nasaan ka na kaya? Pag namimiss kita iniisip ko na siguro namimiss mo din ako, pero parang malabo. Ako ata ang nanakit sayo. Ako ata ang nang-iwan tapos mamimiss mo pa? How pathetic of me for thinking that you still miss me. Na ako pa rin ang laman ng puso mo, na ako pa rin ang hinahanap hanap mo.
Okay ka na kaya? Kasi ako hindi pa. Akala ko dati hindi na kita mahal. Akala ko kaya ko ng wala ka pero hindi pala. Poy mahal pa pala kita. Oo nagpray ako kay Lord na tulungan ka niyang mag-move on pero gusto ko ng bawiin yun ngayon. Huli na ba ang lahat, Poy? Ayaw kong mag move-on ka kasi masasaktan ako, nasasaktan ako Poy! Masakit isipin na hindi mo na ako mahal. Masakit kasi pag nakamove-on ka na ibig sabihin nakalimutan mo ng minahal mo ako ng sobra.
Kung babalik ba ako, matatanggap mo pa ako? Malamang hindi na. Nasaktan kita ng sobra. Ilang buwan kang iyak ng iyak, nagpakalunod sa alak, ilang sugat sa kamao mo ang tiniis mo sa kakasuntok sa pader hanggang sa makalimot, tapos bigla na lang ako babalik? Ang kapal ng mukha ko kung hihingi pa ako ng isa pang pagkakataon sa iyo kasi itinapon kita na parang isang basahan. Maiintindihan ko kung hindi mo na ako balikan. Ayaw mo lang masaktan ulit..
Nakakatawa, life is so ironic talaga, naalala ko noon bigla na lang ako nagalit noong napatingin ka lang sa legs nung babae. Selosa nga ako. Tapos sabi ko na umunat, kumulot, humaba at umiksi man ang buhok ko tayong dalawa pa rin. Tapos sabi ko pa noon na forever na ‘to, na walang mang-iiwan kung hindi mag-fa-fine ng one million. Ako ang nangako Poy pero ang laki kong tanga dahil ako pa pala ang bibitaw.
Kung nasaan ka man ngayon o kung sino man siya na kasama mo, alam ko na masaya ka na. Siyempre siya ang sumagip sayo noong mga panahong talo ka. Siya ang sumalo sayo noong binitiwan kita. Siya na ang babaeng magtutuloy ng mga ipinangako ko sayo. Siya na ang babaeng makakasama mong mangarap, ang babaeng makakasama mo thru thick and thin, ang babaeng hinding hindi ka iiwan ano man ang mangyari. Siya na ang babaeng may karapatan sayo. Siya na ang babaeng papalit sa puwesto ko sa puso mo.
I’m sorry. Dapat matagal ko na ‘tong nasabi sayo. Sorry kung nasaktan kita ng sobra sobra. Sorry kung pinaiyak kita gabi-gabi. Sorry kung hindi kita naalagaan sa mga panahong maysakit ka. Sorry sa mga gabing minumura kita kapag galit ako. Sorry sa mga pagkakataong nagsinungaling ako para sa sarili ko. Sorry kung bigla lang kitang iniwan dahil sa napapagod na ako at sana naisip ko din na matagal ka ng pagod sa ugali ko pero hindi mo pinili ang iwan ako. Sorry naging mahina ako, Poy. Sorry if I was stubborn. Sorry if you weren’t my priority. Sorry for everything. Hindi ko inaasahan na patatawarin mo ko agad pero sana dumating ang araw na yun at kapag dumating ang araw na iyon sana okay na tayo pareho.
Pero alam mo Poy, umaasa pa rin ako na kapag dumating ang araw na iyon, sabihin mo sa akin na ako pa rin. Ang sama sama kong tao dahil ayokong maging masaya ka sa iba dahil feeling ko akin ka lang. Poy, masama ba kung sabihin ko sayo na sana ako na lang? Ako na lang ulit..
Nagmamahal pa rin,
Basha